ni Riza Zuniga
SA ika-27 National Press Forum, pinangunahan ng Philippine Press Institute (PPI) ang “Midya at Pandemya: Reporting in the New Normal” na ginanap sa Citadines Bay City Manila noong nakaraang ika-24 hanggang ika-26 ng Abril 2023.
Ang nagbigay ng preliminaries sa programa ay si Ariel C. Sebellino, PPI Executive Director at Conference Director.
Ito rin ang ika-59 anibersaryo ng PPI na kilala rin bilang National Association of Newspapers, itinuturing na pinakauna sa lahat ng professional media organization sa bansa, na ang layunin ay ma-idepensa ang kalayaan sa pamamahayag at maisulong ang pamantayang etikal para sa pag-unlad ng mamamahayag.
Ang pagdiriwang ay sinimulan sa taunang pagpupulong ng mga kasapi ng PPI, kasama ang ibang miyembro via zoom. Sa pagbubukas ng forum, nabanggit ni Rolando Estabillo, Chairman-President ng PPI, na ang pandemya ang nagtulak sa mamamahayag at mga news outlets na gamitin ang digital technology kung kaya’t maaaring magtrabahong mag-isa ang mga mamamahayag o malayo sa kanilang news station.
Dagdag pa ni Estabillo, “Ito ang nagbigay ng kapangyarihan sa publiko na maging saksi, tagapaglathala, may-akda, at bilang breaker of news stories.” Nawala na ang “who, what where, when and why,” mga elemento sa pagbabalita.
“Nanatiling mabagal ang media, kaya’t isa sa casualty ng new normal ang media,” sabi ni Estabillo. Kanya pang idinagdag ang panibagong hamon sa mamamahayag, ang AI at ChatGPT na inilunsad ng Open AI.
Ang panauhing pandangal via zoom ay si Dulamkhroloo ‘Duuya’ Baatar, isang Mccain Global Leader 2022 mula sa Mongolia.
Si Baatar ay naniniwala sa pagbibigay ng may kalidad na impormasyon tungkol sa buhay at kabuhayan at ito ang nagbunsod sa kanya na itatag ang Nest Center for Journalism Innovation and Development bilang isang co-founder.
Ipinaunawa ni Baatar kung nasaan ang kalagayan ng mga mamamahayag sa ngayon at kung paano ibabalik ang pamamahayag pagkaraan ng pandemya at pagpasok ng new media.
Sa forum nanaig ang tinuran ni Baatar, “We are essential, we give voice to the voiceless. Let us hold the line together.”
Si Inday Varona, Head of Regions, mula sa Rappler, ang nagbigay ng reaksyon sa ibinahaging karanasan ni Baatar.
Ito naman ang binigyang diin ni Varona, “We have to be better at building trust.”
Si Ed Lingao, TV5 News Anchor, ang naging moderator sa Open Forum. Ang mga kasama sa nasabing panel ay sina: Nini Cabaero, Consultant and Trainer, Women in News; Felipe Salvosa II, Coordinator of Journalism Program, University of Sto. Tomas; Francia Allan Angelo, Editor-in-Chief, Daily Guardian; at Jonathan de Santos, News Editor, Philstar.com.
Sa 2022 Civic Journalism Community Press Awards, si Kara David ang emcee at ang mga miyembro ng National Board of Judges, sa pangunguna ni Joyce Panares bilang Chairperson at ang mga miyembro ay sina Luz Rimban, Angelina Resurreccion, Jose Bayani D. Baylon, Jesus M. Aznar, and Dr. Jeremiah Opiniano. Ang bumubuo ng Regional Screening Committee: Luzon: Department of Journalism, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Committee Coordinator, Dr. Hemady Mora, Dean College of Communication; Visayas: Journalism Program, University of Sto. Tomas, Committee Coordinator, Prof. Felipe Salvosa II, Coordinator, Journalism Program; at, Mindanao: Graduate School, Asian Institute of Journalism and Communication, Committee Coordiator, Dr. Paz H. Diaz, Vice President for Academic Affairs and Dean, AIJC Graduate School.
Nagbigay ng mainit na pagbati sa mga mamamahayag at mga nagwagi ang Vice President ng PPI na si Amalia Bandiola-Cabusao at nagbigay ng mensahe si Jose Bayani Baylon, Senior Vice President for Sustainability, Public Affairs and Communications/Chief Sustainability Officer, Nickel Asia Corporation (NAC) at Hussein Macarambon, National Project Coordinator for the Ship to Shore Rights Southeast Asia, International Labour Organization (ILO).
Nagbigay ng impormasyon sa 2022 Civic Journalism Community Press Awards, Screening Committees at National Board of Judges si Ann Lopez, Senior Director for Research, Policy and Advocacy, Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC).
Ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya: Best In Reporting on Migration Issues, Weekly – Baguio Chronicle (Luzon), Daily – walang itinanghal na nanalo; Best in Photojournalism, Daily -walang itinanghal na nanalo, Daily – SunStar Davao; Best in Environmental Reporting, Weekly – Luzonwide News Correspondent, Daily – Sunstar Cebu; Best in Business and Economic Reporting, Weekly – walang itinanghal na nanalo, Daily – SunStar Cebu; Best in Editorial Page, Weekly – Baguio Chronicle; Daily – The Freeman; Best Edited Community Newspaper, Weekly – Baguio Chronicle at Daily – SunStar Davao.
Ang itinanghal na Best Booth ay ang “The Visayas” at ang Best Exhibit ay “Palawan News.” Ang nagwaging “Star of the Afternoon for Male” ay si Sherwin De Vera at “Star of the Afternoon for Female” ay si Dr. Tina Alberto.