PAGBABANGKO SA MINDANAO SISIGLA

Rep Lawrence Fortun

NANINIWALA ang isang mambabatas na magsisimula nang sumigla ang pananalapi at pagba­bangko sa Mindanao ngayong taon makaraang aprubahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang initial implementing regulations sa RA 11439 o ang bagong Islamic Banking Law.

“With the new law and rules, the Islamic banks can soon reach out to the millions of ‘unbanked’ Filipinos,” wika ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, miyembro ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries.

Tinukoy ang datos mula sa central bank, sinabi ni Fortun na karamihan sa mga walang bangkong bayan sa bansa ay nasa Mindanao.

Ang RA 11439 ay naisabatas noong Agosto ng nakaraang taon, subalit sinabi ni Fortun na agad itong inaprubahan ng BSP bago matapos ang taon.

“The law primarily aims to provide a regulatory framework for Islamic banking and finance hoping to promote greater financial inclusion, ethical banking, and socio-economic development,” aniya.

Layunin din ng batas na mapalawak ang funding base para sa small and medium enterprises at ma-laking government infrastructure sa mga sakop na lugar, gayundin ang makapag-ambag sa financial stability ng mga ito.

“Foreign and local investors eyeing new investments in Islamic banking and finance now have the go-signal to move forward with their plans for Mindanao and cities where there are concentrations of Filipino Muslims and Muslim expatriates,” aniya.

“RA 11439 is one significant legislative accomplishment for inclusive economy of the 17th Congress,” dagdag pa niya. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.