DUMALO sa Zoom conference ang Rizal Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director katuwang si Atty. Arnulfo H Pioquinto, Provincial Election Supervisor sa isinagawang Simultaneous Activation ng National Monitoring Action Center (NEMAC) gayundin ang lahat ng Election Monitoring Action Centers (EMACs) sa iba’t ibang rehiyon, probinsya at munisipalidad kahapon na ginanap sa Camp BGen Rafael T Crame sa Quezon, City.
Pinangunahan ni PNP Chief, General Rommel Francisco D Marbil, Chief PNP kasama si Commissioner George Erwin M Garcia, Chairperson of Commission on Election ang pagsisimula ng aktibidad gayundin ang kanilang mensahe upang matiyak ang isang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng nalalapit na National and Local Elections (NLE) 2025.
Ang mga inactivate na Election Monitoring Action Centers (EMACs) ay magsisilbing sentro para sa pagsubaybay, koordinasyon, at pagtugon sa mga concern na nauugnay sa halalan upang maitaguyod ang integridad at seguridad ng eleksyon.
EUNICE CELARIO