PAGBABANTAY NG PNP VS COVID-19 PINAIGTING

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos na paiigtingin nila ang pagbabantay sa publiko para matiyak na nasusunod ang election guidelines at COVID-19 health standards sa mga campaign rally.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ay ipapaalala ng police personnel sa publiko ang mga offense sa campaign participant upang maiwasan ang tensyon sa mga aktibidad.

“Ang PNP po ay sinabihan po ng (PNP personnel were told by) Chief PNP [Police General Dionardo Carlos] to exercise maximum tolerance,”ani Fajardo.

“Kung kaya naman pong pagbawalan, kung kaya naman pong pakiusapan para hindi na po magkaroon ng tension doon sa lugar,” dagdag pa nito.

Bukod sa PNP,ang mga personnel sa Armed Forces of the Philippines at the Philippine Coast Guard ang mangunguna sa pagbibigay ng seguridad sa campaign sorties. EUNICE CELARIO