(ni CT SARIGUMBA)
AMINADO naman ang marami sa atin na hindi sila nagbabasa. Wala silang panahon sa ganitong gawain. O mas maganda nga yatang sabihing ayaw nilang maglaan ng panahon para makapagbasa ng magagandang libro o kahit na anong babasahin.
Para sa ilan din kasi, walang importansiya ang pagbabasa. May iba pa ngang pagsasayang lang ng oras ang tingin dito.
Sa katanunayan, napakaraming benepisyo ang pagbabasa. Malaki ang naidudulot nito upang mapanatili natin ang malusog na isipan. Narito ang ilang benepisyo o naidudulot ng regular na pagbabasa:
NAIIWASAN ANG DEPRESSION
Isa sa probolema ng marami sa atin ay ang depression. Maraming kabataan ang kumakaharap sa naturang pakiramdam. At kapag hindi nga ito naagapan, kadalasan ay nauuwi sa pagkamatay.
Para maiwasan ang nadaramang depression, isang simpleng paraan na maaaring gawin ng kahit na sino ay ang regular na pagbabasa ng libro o kahit na anong klaseng babasahin.
Isa rin sa mainam kahiligan ang fiction dahil sa pagbabasa ng mga ganitong uri ng babasahin ay nailalayo ka sa kasalukuyang mundo at nadadala sa mundo sa loob ng libro. Nararanasan mo kumbaga o naipadarama sa iyo ang mga pakiramdam na nararanasan o nadarama ng mga karaketr sa librong binabasa.
NADARAGDAGAN ANG KAALAMAN SA SALITA
Kailangan nating magkaroon ng kaalaman at kakayahan upang makayanan nating makipagsabayan sa trabaho man o eskuwelahan. At upang mad-agdagan ang kaalaman sa salita o bokabularyo, makatutulong ang regular na pagbabasa.
Sa mga ginawang pag-aaral, lumalabas na ang mga nahilig sa pagbabasa simula ng bata pa ay nagkakaroon ng higit na kaalaman sa salita kumpara sa mga bata o taong hindi nagbabasa.
Sa pamamagitan din ng pagbabasa ay nai-imporve ang ating memory.
Kaya kung makakalimutin, magbasa na ng regular.
NAIIWASAN ANG AGE-RELATED COGNITIVE DISEASE
Bata man o matanda ay hindi naiiwasang magkaroon ng sakit. Marami nga namang sakit ang nagkalat sa paligid at dapat ay maging maingat tayo upang maiwasan ito.
At isa sa paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit dala na rin ng pagtanda ay ang regular na pagbabasa ng libro.
NAIIWASAN ANG STRESS
Malaki ang naidudulot o epekto ng stress sa kalusugan ng bawat isa sa atin. Sa trabaho man o sa tahanan ay hindi naiiwasang makadama tayo ng stress. Marami nga namang dahilan kung kaya’t nai-stress ang marami sa atin. Unang-una na nga rito ay ang mga problemang kaakibat natin sa pang-araw-araw.
At dahil nga hindi naman nawawala ang stress sa buhay ng tao, mainam o makatutulong kung gagawa tayo ng paraan upang maibsan o ma-handle ito ng maayos. At isa ngang mabuting paraan ay ang pagkahilig sa pagbabasa.
Sa pamamagitan ng pagkahilig sa pagbabasa ay natutulungan tayo nitong ma-handle at maibsan ang stress na ating nakasasalamuha sa araw-araw.
Sa ilang mga pag-aaral ay lumalabas an gang 30 minutes na pagbabasa ng libro ay nakabababa ng blood pressure, heart rate, at ang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa.
NAPANANATILING MALUSOG AT MALAKAS ANG UTAK
Habang nagbabasa tayo ay nagiging aktibo an gating brain o utak. At sa pamamagitan ng pagiging aktibo ng utak ay napananatili itong malakas at malusog.
NAKATUTULONG UPANG MAKATULOG NG MAHIMBING
Sa mga hirap ding makatulog, mainam din na kahiligan ang libro. Nakatutulong ang pagbabasa ng libro upang makatulog ng mahimbing. May ilan ding pag-aaral na ang pagbabasa ng libro ay nakatutulong upang ma-relax. Kaya naman, bago matulog, nang ma-relax ang isipan ay magbasa muna ng ilang pahina ng libro nang makamit ang mahimbing na tulog.
Kaya naman, kahit na anong edad ka pa o kahit na abalang-abala ka sa mga obligasyong kailangan mong gampanan, isama sa mga kinahihiligang gawin ang pagbabasa.
Napakalaki nga naman kasi ng naitutulong nito sa ating kalusugan, gayundin sa ating kalusugang pangkaisipan. (photo credits: Google)
Comments are closed.