PAGBABAWAL NA MAG-SCHOOLING NG MATATABANG PULIS, OK KAY PING

Senador Panfilo Lacson

KINATIGAN ni Senador Panfilo Lacson ang panukala ni ­Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa na hindi papayagan ang isang pulis na makapag-schooling para sa promosyon kung hindi mag-comply sa fitness requirements ng pamunuan.

Muling binalikan ni Lacson bilang dating PNP chief noong  1999 hanggang 2001 ang kanyang polisiya na dapat 34 inches ang waist line ng mga miyembro ng PNP.

Ayon kay Lacson, makabubuti ito para sa mga pulis bukod sa maayos na kalusugan dahil mas mabilis nilang mahahabol at mahuhuli ang mga patakas na kriminal.

Aniya, bukod sa magandang kalusugan ay maayos at magandang tingnan ang uniporme ng mga pulis kung hindi malaki ang tiyan.

Naniniwala rin si Lacson na sa pamamagitan ng fitness requirements sa mga miyembro ng PNP ay  magiging displinado rin sila tulad ng panahon ng pinamumunuan ng senador ang PNP.

Dagdag pa ni Lacson na kapag physically fit ang mga pulis ay  tiyak na panalo sila hindi lang sa kalusugan kundi pati sa paglaban sa kriminal na tiyak na talo kapag nagkaroon ng habulan. VICKY CERVALES

Comments are closed.