INUMPISAHAN na ng House Committee on the Welfare of Children ang panukala na nagbabawal sa paggamit ng cellphones at iba pang electronic gadgets ng mga Grade 10 students pababa sa lahat ng mga paaralan sa bansa.
Bumuo ng technical working group ang komite ni Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez kung saan tinalakay ang probisyon House Bill 5542 na inihain ni San Jose del Monte City Rep. Rida Robes.
Inihain ni Robes ang panukala bilang hakbang para matugunan ang lumalalang problema ng mental health sa mga kabataan.
Tinukoy nito ang mga pag-aaral na nag-uugnay sa hindi kontroladong paggamit ng smartphones at electronic gadgets sa pagkakaroon ng mental health problems ng mga maraming kabataan.
Iginiit ng kongresista na dapat magkaroon ng malinaw na polisiya ang mga paaralan sa paggamit ng telepono at gadgets ng mga bata lalo na tuwing oras ng klase.
Kabilang sa mga dumalo sa hearing ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police, Facebook Philippines at mga organisasyong nagsusulong sa karapatan ng mga bata. CONDE BATAC
Comments are closed.