PAGBABAWAL SA MGA PINOY SA MALAYSIA IGINAGALANG NG PALASYO

ATTY HARRY ROQUE

IGINAGALANG ng Malakanyang ang desisyon ng Malaysia na pagbawalan nang makapasok sa kanilang bansa ang mga Filipino dahil sa mataas ng kaso bg COVID-19 sa Filipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakapanghihinayang ang desisyon ng Malaysia subalit wala namang magagawa ang Filipinas dahil isang sovereignty decision ang ginawa nito.

“Well, that’s a sovereign decision as to who will be allowed to enter one’s territory. I’m not saying we’re happy. I’m saying we regret the decision but we respect the sovereign decision of Malaysia,” sabi ni Roque.

Bukod sa mga Filipino, pinagbawalan din ng Malaysia na makapasok sa kanilang teritoryo ang mga taga-India at Indonesia simula sa Lunes, Setyenbre 7.

Sakop ng utos ng Malaysia ang mga mayroong long term passes, mga estudyante, expatriates, may mga permanent resident visa, maging ang mga miyembro ng pamilya ng mga Malaysian.

Pinalawig din ng Malaysia ang pagbabawal sa pagpasok sa kanilang bansa ng mga dayuhang turista hanggang sa katapusan ng taon.

Ang Filipinas ang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa Southeast Asia na sinusundan naman ng Indonesia samantala halos 4 -milyong naman ang na-infect sa India.

Samantala, naniniwala si Roque na ang mga medical frontliner sa bansa tulad ng nurses ay nakakatanggap ng magandang package sa kabila ng pandemya.

Ang pahayag ay ginawa ni Roque bunsod ng pinalabas na research ng data aggregator iPrice Group na ang mga nurses at medical technologists sa bansa ay nakakatanggap ng pinakamababang suweldo sa kanilang hanay kumpara sa mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Vietnam, Singapore, Indonesia, Thailand, at Malaysia.

“I’m not sure if that report is true but under the Bayanihan II, we’re giving additional hazard allowance to our frontliners. We also give them free board, we give them free life insurance and they have also free (coronavirus disease) tests. So, I think, we have good package being given to our frontliners,” giit ni Roque.

Kung totoo man aniya na ang mga Filipino nurse na nakaempleyo sa gobyerno ang may pinakamababang suweldo sa kanilang Southeast Asian counterparts ay kailangan lamang  na ma-reclassify ang mga ito sa Standardization Law at maitaas ang kanilang salary grade.

“As to the nurses in the private sector, that can be determined through free market. Now that many nurses want to leave, perhaps the private hospitals will offer higher salary to encourage the nurses to stay in the Philippines,” dagdag pa ni Roque. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.