NAKATAKDA ng ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng vape o vaping instrument.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagkuwestiyon ng ilang sector hinggil sa legalidad ng nasabing kautusan na pagbabawal sa paggamit ng vaping devices sa mga pampublikong lugar
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na nagtatakda ng regulasyon sa paggamit ng vape lalo na sa mga pampublikong lugar.
Gayundin, ani Año na ipinaalam din sa kanya ng Pangulong Duterte na plano rin nito na hindi lang i-regulate ang paggamit ng vape kundi ipagbawal na rin ang pagbebenta nito.
“Ngayong araw, maglalabas ng EO ang Malacañang regarding the regulations on the use of vape. The President really wanted not only [to ban] the use of vape but even the selling of vape” ani Año.
Binigyang-diin pa, hinihintay na lamang ang nasabing kautusan dahil magpapalabas din si Año ng Memorandum Circular para ipag-utos naman sa mga Local Government Unit na magpatupad ng Ordinansa alinsunod sa nasabing EO.
“Paglabas nitong EO na hinihintay natin, maglalabas tayo ng memorandum circular kung saan ay ipag-uutos natin sa ating mga LGU na magpalabas ng ordinansa sa pagpapatupad ng executive order,” diin ng kalihim.
Nauna rito, kinukuwestiyon ni Atty. Egon Cayosa, presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang legalidad ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga gumagamit ng vape.
Kaya’t mungkahi ni Cayosa, dapat gumawa ng batas ang Kongreso para ma-regulate o ipagbawal ang vape.
Samantala, aktibo na ang mga local na pulis sa panghuhuli sa mga gumagamit ng vape sa pampublikong lugar na kung saan ay hindi exempted dito ang mga delegado, kinatawan at mga atleta ng iba’t ibang bansa sa gaganaping 30th Southeast Asia Games. VERLIN RUIZ
Comments are closed.