PAGBABAWAS NG P1-B SA PANUKALANG BADYET NG PH CARABAO CENTER, NDA BINATIKOS

BINATIKOS  ni Senador Cynthia Villar ang pagbawas ng P1 bilyong sa panukalang 2024 budget ng Philippine Carabao Center (PCC) at ng National Dairy Authority (NDA).

Sinabi ni Villar na hindi maabot ng mga mahihirap na bata ang abot-kayang gatas na gawa sa lokal.

Binanggit ni Villar na mula sa P1.2 bilyon noong 2023, ibinaba ang budget ng PCC sa P711 milyon sa ilalim ng proposed 2024 budget.

Sa kabilang banda, ang 2024 proposed budget ng NDA ay P272 milyon lamang mula sa P856 milyon noong 2023.

“As it is, our milk production is only able to supply 1% of the country’s demand for milk. The 99% are all imported. I have been telling you that for the longest time. I cannot understand….these agencies have been established in the 1990s, it has been 30 years and we are at 1%. We have a problem on milk,” sinabi ni Villar sa Senate committee on finance hearing ng Department of Agriculture (DA).

“Kapag 1% ang production ng milk, ibig sabihin, ang mga batang mahihirap, hindi pa iinom ng milk. Kapag hindi mo pinainom ng milk, mahirap na nga, hindi pa tatalino, eh ‘di wala nang pag-asang paglaki ay medyo mag-middle class man lang sila kasi magaling na sila at nakapag-aral na sila. Iyon lang naman habol ko dito,” dagdag pa niya.

Bilang tugon, sinabi ni Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla na ang DA, bilang inang ahensya, ay humingi ng mas mataas na badyet para sa 2024, ngunit hindi ito inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

“The proposal that the DA provided…submitted to DBM for the NDA is P1.3 billion but we were given P272 million. For the Carabao Center, we requested P1.4 billion but we were only given P711 million,” aniya.
LIZA SORIANO