PAGBABAWAS NG TUBIG SA 3 DAM PATULOY

Ambuklao Dam

CENTRAL LUZON – PATULOY ang pagbabawas ng tubig sa tatlong dam na nasa Luzon kasunod ng ulang ibinagsak ng Bagyong Kristine.

Kabilang sa mga dam na nagpapakawala pa rin ng tubig ay ang Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet pati na ang Magat dam sa Isabela.

Ayon sa PAG-ASA Hydromet nitong Lunes,  dalawang gate pa rin ang nakabukas sa Ambuklao at Binga dam dahil sa malapit pa rin ang kasalukuyang antas nito sa high water level ng dam.

Isang gate naman ang nananatiling  nakabukas sa Magat dam na may dalawang metrong opening.

Sa kasalukuyan, nasa 188.55 meters ang lebel ng tubig sa Magat dam.

P ANTOLIN