PAGBABAWAS NG WATER ALLOCATION OK SA PAGASA

Vicente Malano

SUPORTADO  ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagbabawas ng water allocation sa Metro Manila.

Ayon kay Pagasa Administrator Vicente Malano, nararapat lamang ang hakbang dahil nasa below normal high water level pa rin ang tubig sa Angat dam.

Mabuti aniya ito para hindi na muling makaranas ng kakulangan sa tubig sa mga susunod na taon.

Magugunitang binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokas­yon sa Maynila mula sa 45 cubic meters per second ay nasa 40 cubic meters per se­cond na lamang. DWIZ882

Comments are closed.