PAGBABAWAS O PANANATILI NG 1-METER SOCIAL DISTANCING IHAHAYAG NI DUTERTE

Presidential spokesperson Harry Roque

SA Lunes (Setyembre 21) na isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon kaugnay sa kung  hindi dapat o maaaring nang ituloy ang pagbabawas sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.

Ang anunsiyo ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng desisyon ng Dewpartment of Transportation na ibalik ang  1 meter distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Roque, isasabay na lang ng Pangulo ang kanyang desisyon sa lingguhan niyang public address.

Samantala, naglahad naman si dating Health Secretary Manuel Dayrit sa regular press briefing ng pag- aaral na nagsasabing walang problema kung mabawasan man ang sukat na isang metrong distansiya ng mga commuter sa mga pampublikong transportasyon basta’t mayroon lang  aniyang package of intervention gaya ng face mask, face shield at hindi pagsasalita habang nakasakay sa isang public transport.

Naniniwala si Dayrit sa kahalagahan ng compliance sa mga health protocols at kailangang tiyaking maipatutupad ito at mamomonitor.

“The reason we are doing this is because we are trying to balance it with the needs of the economy opening up. And therefore, there’s your tradeoff there. But really the tradeoff doesn’t leave us defenseless, that is what we are saying. As long as you use these seven commandments, you can reduce the risk of infection,” sabi pa ni Dayrit.

Kabilang sa seven commandments na ito ay ang mga sumusunod: wearing of proper face masks, wearing of face shields, no talking and no eating, adequate ventilation, frequent and proper disinfection, no symptomatic passengers at appropriate physical distancing.

“And anywhere in the world, that’s the same thing, you have to comply with whatever you can use in order for your own context in order to succeed,” dagdag pa ni Dayrit. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.