PAGBABAYAD NG BUWIS PINADALI

Commissioner Caesar Dulay

PINADALI ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-babayad ng buwis sa harap ng pinsalang idinulot ng bagyong Odette sa mga kabuhayan at ari-arian.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, ang mga taxpayer na naapektuhan ng bagyo ay maaring mag-file ng return at magbayad ng kaukulang buwis sa pinakamalapit na BIR-authorized agent-banks kung saan sila nakarehistro.

Wala aniyang parusang ipapataw sa maling filing of returns at pagbabayad ng buwis.  DWIZ 882