“IAANUNSIYO po natin kung siya ay nagpabakuna na.”
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasabay ng pagtiyak na desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na maunang magpabakuna kontra COVID-19 sa sandaling dumating na sa bansa anuman ang brand nito.
Ito ayon kay Roque ay upang mapawi ang agam-agam ng publiko na peligroso ang COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Roque na hindi gagayahin ng Pangulo ang ibang lider ng mga bansa na isinapubliko ang first shot vaccination kontra COVID-19.
Hindi aniya duduplikahin ng Pangulong Duterte ang ginawa ni Indonesian President Joko Widodo.
“President Duterte did not want to make public his immunization similar to other world leaders, such as Indonesian President Joko Widodo” sabi pa ni Roque.
Atas din aniya ng Pangulong Duterte na isapubliko na lang ang pagbakuna sa kanya kapag naisagawa na ito kahalintulad ng ginawa nina Queen Elizabeth ng United Kingdom at Duke of Edinburgh na si Prince Philip.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ng anti COVID-19 vaccine ang tinatayang 70 milyong Filipino. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.