IKINOKONSIDERA na ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna ng ng laban sa COVID 19 sa mga batang edad lima hanggang 11.
Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, may halos 13.5 milyon ang nasa naturang age group sa bansa.
Agad din nitong nilinaw na wala pang eksaktong petsa kung kailangan sisimulan ang programa dahil kailangan pang magpalabas ng emergency use authorization ang Food and Drug Administration (FDA).
Tiniyak na lamang nito na may sapat na suplay na ng bakuna kapag sinimulan ang pagpababakuna ng mga nasa nasabing age group.
“We have enough supply. Actually, we have about 40 million doses still to come until the end of the year para dito sa ating pagbabakuna ng COVID 19,” sabi pa ni Vergeire.
Una nang sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo na inaasahan na bago ang pagtatapos ng kasalukuyang taon ay masisimulan ang pagbabakuna sa mga bata.