INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na target ng pamahalaan na masimulan na ang COVID-19 vaccination drive para sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang sa National Capital Region (NCR) sa Oktubre 15.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, magiging prayoridad ng naturang pagbabakuna sa capital region, yaong may mga comorbidity gaya ng heart, kidney, at respiratory problems.
“Ang target natin ay masimulan ito sa October 15. Uumpisahan natin sa National Capital Region kasi maganda-ganda na ‘yong kanilang coverage ng kanilang vaccination, lalong-lalo na ‘yong kanilang A2 (senior citizens),” ani Cabotaje, sa isang televised public briefing.
Tiniyak pa na pagkatapos ng dalawang linggong test run, ay dadalhin na rin nila ang pagbabakuna sa mga kabataan sa iba’t ibang rehiyon.
Aniya, kinakailangan lamang ng mga bata at ng kanilang mga magulang o guardian na lumagda ng consent forms para sa vaccination.
Dapat din aniyang magprisinta ang mga menor de edad ng medical certificates na nagpapatunay na mayroon siyang health risks.
Dagdag pa ni Cabotaje, sa ngayon, tanging ang COVID-19 vaccines na gawa ng Moderna at Pfizer pa lamang ang nakakuha ng emergency use authorization (EUA) para sa mga 12-17-year-old sa bansa, kaya’t ang mga naturang bakuna lamang ang gagamitin para sa nasabing age group.
Target din ng mga awtoridad na mailabas ang guidelines hinggil dito sa susunod na linggo.
Sa ngayon, may limang priority groups pa lamang ang binabakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19, kabilang dito ang mga health workers (A1), senior citizen (A2), people with health risks (A3), essential workers (A4), at indigents (A5).
Inaprubahan na rin naman ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination para sa general adult population sa Oktubre. Ana Rosario Hernandez
378478 276672Hey man, .This was an superb page for such a hard topic to talk about. I look forward to reading many a lot more wonderful posts like these. Thanks 606147
297453 796557Should you have been injured as a result of a defective IVC Filter, you must contact an experienced attorney practicing in medical malpractice cases, specifically someone with experience in these lawsuits. 492275
504832 4583I discovered your blog site on google and appearance a few of your early posts. Maintain up the outstanding operate. I just extra the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking for forward to reading much more on your part later on! 329479