PAGBAKUNA SA EVAC CENTERS (Bahala ang LGUs)

NASA kamay ng local government units na apektado ng bagyong Odette ang desisyon kung ipagpapatuloy ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa evacuation centers.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mas mainam kung nakatuon muna sa relief and rescue operations ang mga apektadong LGUs.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na bago bakunahan ang mga evacuee ay dapat i-assess muna ang mga posibleng side effects nito.

Posible kasing ayaw magpabakuna ng mga ito dahil sa maaaring maranasang pananakit ng ulo, kasu- kasuan at iba pa, ngunit case to case basis aniya ang bakunahan.

Tiniyak naman ng Department Of The Interior And Local Government (DILG) na nasusunod ang guidelines sa mga lokal na pamahalaan partikular na sa mga naapektuhan ng nasa evacuation centers.

Ito ang naging tugon ni DILG Secretary Eduardo Ano matapos mabahala si Dr. Tony Leachon sa lagay ng mga bakwit.

Binigyang diin ni Ano na naipatutupad ang health protocols sa mga evacuation centers na patuloy na binabantayan ng DOH.

Nakaalerto na rin ang mga local epidemiology , surveillance units, at contact tracers para sa posibleng pagtaas ng kaso sa bansa.

Bukod dito, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DILG sa mga alkalde sa mga nasalantang lugar ng bagyo. DWIZ882