ILANG buwan matapos aprubahan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Moderna at Pfizer-BioNTech, sa wakas ay uumpisahan na ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataang may edad 12 pataas.
Ito ay pormal nang inanunsiyo ng Department of Health (DOH). Maituturing ito na napakagandang balita dahil maging ang mga bata ay nangangailangan din ng proteksiyon laban sa COVID-19 dahil sa mas nakahahawa at mas agresibong Delta variant.
Ayon nga kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung ang lahat ay mabibigyan na ng bakuna ngayong taon, magiging masaya ang Pasko ng bawat pamilyang Pilipino.
Gaya ng ipinatupad na sistema sa pagtatakda ng prayoridad sa pamamahagi ng bakuna, uunahin ang mga kabataang may edad 12 hanggang 17 na mayroong comoribidity. Ang mga ito ay ituturing na kabilang sa A3 category o persons with comorbidities. Ang iba namang kabataang nakarehistro ay mabibigyan ng bakuna kapag nasiguro na ang naipamahagi sa A2 priority group o senior citizens sa buong bansa ay sapat na. Nagsimula na ang pagrehistro ng mga kabataan sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Batay sa paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ukol sa paghahati-hati ng pamamahagi ng bakuna para sa mga kabataan, kinakailangan nilang isaalang-alang ang panganib na maaaring maidulot ng COVID-19 sa mga bata, at ang supply ng bakuna sa bansa na nananatiling limitado. Ang mga batang babakunahan ay kinakailangang magpakita ng clearance mula sa kanilang doktor.
Ngayong buwan na maaaring umpisahan ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataang may comorbidity. Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang pagbabakuna ay inaasahang magsisimula sa ika-15 ng Oktubre. Ito ay unang ilulunsad sa Metro Manila kaugnay ng mataas na vaccination rate ng rehiyon. Maaari itong palawigin at simulan ang pamamahagi sa mga kabataang kabilang sa A3 na nasa labas ng Metro Manila matapos ang dalawang linggo, na siyang magsisilbing test run ng programa.
Dagdag pa ni Cabotaje, kasalukuyan pang pinag-uusapan kung saan isasagawa ang pamamahagi ng bakuna para sa mga kabataang may comorbidity. Ang kanilang rekomendasyon ay isagawa sa ospital ang pagsisimula ng pagbabakuna sa mga kabataan upang mas mabantayan ang epekto nito sa kanila.
Ako ay lubos na sumasang-ayon sa mungkahing ito dahil sa mga balita ukol sa side effects ng bakuna sa kabataan sa US. Nang simulan ang pagbabakuna ng mga kabataang edad 12 pataas sa US noong unang bahagi ng taon, isa sa mga nakitang epekto ay ang pananakit ng dibdib at iba pang senyales ng myocarditis o ang posibleng heart inflammation. Bagaman mababa lamang ang antas ng mga ulat ukol dito, dapat ay siguraduhin pa rin at suriing mabuti ang mga kabataang unang mabibigyan ng bakuna sa ating bansa lalo na’t may comorbidity ang mga ito. Mas ligtas at tiyak na mas panatag din sa kalooban ng mga magulang kung sa ospital isasagawa ang pagbabakuna nang sa gayon, makasisiguro na kung anuman ang epektong lumabas ay mabibigyan ito ng agarang aksyon.
Maging sa ibang bansa gaya ng South Korea ay magsisimula na rin ngayong Oktubre ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataang may edad 12 pataas. Ito ay matapos ideklara ng vaccination advisory committee of the Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) na mas nangingibabaw ang benepisyo ng pagpapabakuna kumpara sa kung anuman ang maaaring maging side effect nito. Gaya sa Pilipinas, Pfizer din ang inaprubahang ipamahagi sa mga kabataan sa kanilang bansa.
Maganda namang pagkakataon ito na umpisahan na ang pagbabakuna sa mga kabataan. Ito ay kaugnay ng balitang uumpisahan na ang face-to-face classes sa mga piling paaralan. 120 na paaralan ang tinatayang kabilang sa pilot run nito. Ito ay maituturing na isang makabuluhang pangyayari dahil ito ay inaasahang makatutulong sa mas pagpapahusay sa sistema ng edukasyon.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang panuntunan sa operasyon na kanilang sinunod ay kanilang inihanda katulong ang DOH. Ito ay suportado ng World Health Organization (WHO), United Nations Children’s Fund, at iba pang organisasyong nangangasiwa sa kalusugan ng mga bata. Kamakailan ay nagpirmahan ng joint circular ang DepEd at DOH ukol sa naturang mga panuntunan sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa mundo na nahuli sa muling pagbubukas ng mga paaralan nang magsimula ang pandemya. Ang hakbang na ito ukol sa unti-unting pagbubukas ng mga paaralan para sa face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang antas ng kaso ng COVID-19 ay maituturing na isang magandang balita.
Kaugnay nito, kailangang maging maagap ang DOH at ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan. Kinakailangan ding pabilisin ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan upang mas maging protektado sila laban sa virus. Bagaman malayo pa tayo sa dulo ng laban kontra COVID-19, ang mga ganitong balita ay sapat na upang makapagbigay ng pag-asa na kahit paunti-unti, tayo ay bumabalik na sa ating normal na takbo ng pamumuhay.
170148 131097Do folks still use these? Personally I love gadgets but I do prefer something a bit a lot more up to date. Nonetheless, nicely written piece thanks. 189080
352151 988060I was reading some of your content material on this site and I believe this internet internet site is genuinely informative! Maintain putting up. 473902
590637 741925I agree along with your points , excellent post. 285656
210512 516201Youd outstanding guidelines there. I did a search about the field and identified that very likely the majority will agree along with your internet page. 312577
484586 401962Oh my goodness! a wonderful post dude. Thanks a whole lot Nevertheless I is going to be experiencing trouble with ur rss . Dont know why Not able to sign up for it. Is there everyone acquiring identical rss problem? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 831161
182589 340784I likewise conceive so , perfectly written post! . 670471
925060 127118An intriguing discussion is going to be worth comment. I believe that you can write read far more about this subject, might nicely surely be a taboo subject but normally folks are inadequate to chat on such topics. To a higher. Cheers 213358