SINABI ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na bagama’t mahalaga ang pagbabakuna sa mga manggagawa laban sa COVID-19 ay iginagalang niya ang mga ayaw magpabakuna.
Ayon kay Laguesma, ang mandatoryong pagbabakuna ay palaging sensitibo at emosyonal na isyu.
“Ako personally, I believe in the value na magkaroon ka ng bakuna, especially because I consider myself a senior citizen… so nakita ko ang benepisyo,” ani Laguesma.
“But of course we respect those who would actually more or less reason out why they are averse to being vaccinated either on religious grounds or they have comorbidities that can be exacerbated or aggravated,” dagdag pa niya.
Bagaman nirerespeto ang desisyon ng mga manggagawa, hinikayat niya ang mga ito na magpabakuna.
“May mga pakinabang na mas mahalaga o mas matimbang compared doon sa apprehensions o sinasabi na mga negative side effects… Sana matingnan ng mga manggagawa ang kahalagahan na magkaroon ng bakuna,” anang opisyal.
Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 148-B, kailangang i-require ng mga employer na bakunado ang kanilang mga empleyado laban sa COVID-19.
Bagaman hindi aalisin sa trabaho, kailangang sumailalim ang mga ito sa regular RT-PCR testing.