PAGBALANGKAS NG MGA TERMINOLOHIYA SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON KAUGNAY NG PANDEMYA

ECQ, MECQ, MGCQ, GCQ with heightened restrictions, APOR, ilan lamang ito sa mga salitang ginagamit ngayon sa iba’t ibang klasipikasyon sa panahon ng quarantine dahil sa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bunsod ng patuloy na pandemya, marami ang hindi nakababatid ng mga klasipikasyon, mga terminolohiya, akronim o hindi pangkaraniwang mga salita na gi-nagamit sa nagpapatuloy na pandemya.

Ang bawat lokal na pamahalaan at rehiyon ay may kanya-kanyang ordinansa bilang pagpapatupad ng paghihigpit ng seguridad lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID. Laganap na rin ang Delta variant dito at sa ibang bansa. Maraming buhay na ang nagwakas dahil sa Delta variant o ang B.1.617.2, partikular sa US, India, at Malaysia. As of press time, binabantayan din ang isa pang virus na mula sa Peru, ang Lambda variant o ang C.37. Ito ang pinakahuling “variant of interest” so far.

Nitong Agosto 5, dinagsa ng taumbayan ang Maynila at Las Piñas dahil sa maling impormasyon sa umano hindi pagkatanggap ng ayuda ng mga pamilyang wala pang bakuna. Nabigla at nangamba dito ang mga lokal na pamahalaan dahil baka lalong kumalat ang virus sa ginawa nilang pagsugod.

Sa pagbalangkas ng epektibong komunikas­yon tungkol sa mga pag­hahanda sa sakuna, delubyo at pandemya sa bansa, dapat maihatid ng malinaw at wasto ang mga alituntunin.

Sa komunikasyon tayo madalas nagkakaroon ng problema, kaya sabay-sabay nating ba­langkasin ang mga terminolohiyang nabuo ngayong panahon ng pandemya. Halimbawa, ang mga salitang nadagdag ngayon sa ating bokabularyo dahil sa pandemya ay halos araw-araw na nating ginagamit.

Sa ngayon ang nga bagong COVID-related glossaries ang sanhi kaya kinakailangan na­ting ma­tuto at kumuha ng crash courses sa iba’t ibang unanticipated fields — mula sa biology and immunology hanggang sa statistical rhetoric, government operations, at sibika. In fact, trending nan ga sila sa social media. Kaya, halika, matutu na.  REX MOLINES

75 thoughts on “PAGBALANGKAS NG MGA TERMINOLOHIYA SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON KAUGNAY NG PANDEMYA”

  1. 202250 386616Excellent read, I just passed this onto a colleague who was doing a little research on that. And he actually bought me lunch as I found it for him smile Thus let me rephrase that: Thank you for lunch! 777356

  2. 456577 685185Have you noticed the news has changed its approach lately? What used to neve be brought up or discussed has changed. It is that time to chagnge our stance on this though. 666640

Comments are closed.