PAGBANGON SA KAHIRAPAN, PRAYORIDAD PA RIN NG MARCOS ADMIN SA IKATLONG TAON – ROMUALDEZ

TULAD  daw ng naipangako noong presidential election, prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbangon sa kahirapan ng mga kababayang kapus palad sa ikatlong taon nito sa Malacañang.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, isa ang “social services” o tulong para sa mamamayan ang nais ng Pangulo na dagdagan ang pondo sa susunod na taon.

Isinumite ng Malacañang ang P6. 352 trilyong National Expenditure Program para sa taong 2025 sa Kongreso.
“Prayoridad talaga ng administrasyong ito ang pagtulong para makabangon sabay-sabay ang mga Pilipino,” ayon kay Romualdez.

Ani Speaker Romualdez, “last year higit kalahating trilyon ang inilaan ng kongreso para sa social services mula P5.7 trilyong national budget for 2024”.

Kabilang sa social services ay ang Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) ng Health Department, Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS), Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP), at Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tulong Panghanap-Buhay sa Displaced Worker (TUPAD) ng Labor Department.

“We will always support the program of the president lalo na yung para sa mga kababayan natin na hirap sa buhay”, dagdag pa ng House Speaker.