CAMP CRAME -UMAPELA ang Joint Task Force COVID Shield sa lahat ng may-ari at administrador ng mga condominum building na mahigpit na ipatupad ang mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito’y kasunod ng pagbarikada umano ng mga pulis sa isang Condo Building sa Bonifacio Global City sa Taguig bitbit ang kanilang mga armas at nagdulot umano ng takot at pangamba sa mga residente ruon
Ayon kay Joint Task Forde COVID Shield Commander P/LtG. Guillermo Eleazar, nagpaliwanag na ang hepe ng lokal na pulisya sa lugar at iginiit nito ang kautusan ng lokal na Plpamahalaan na bawal gumamit ng mga commmon areas sa mga condo tulad ng swimming pool dahil paglabag na ito sa physical distancing
Kaya naman pinuntahan ng pulisya ang nasabing condo building para pagsabihan ang mga residente na bumalik sa tahanan at pagsabihan naman ang sinumang lumalabag sa ECQ sa pakikipag ugnayan na rin mula sa mga tagapamahala ng gusali
Gayunman, bilang bahagi ng kanilang Standard Operating Procedures (SOP,) sinabi ni Eleazar na iniimbestigahan na nila kung may naging paglabag ba sa panig ng mga Pulis at residente na siyang pinag-ugatan ng komosyon kahapon
Binigyang diin ni Eleazar na simple ang utos, panawagan at paki-usap ng Pamahalaan sa publiko na STAY AT HOME upang mapababa hanggang sa masugpo ang kaso ng virus sa bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.