WALANG balak ang Malacañang na bawiin ang Proclamation number 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklarang walang bisa ang amnesty na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes.
Ito ay sa harap na rin ng pagpapakita ni Trillanes ng kanyang amnesty application na may approval.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, paninindigan ng Malacañang ang proklamasyon na inilabas ng Pangulo.
Sinabi naman ni Senador Frank Drilon na hindi alam ng gobyerno na nadismiss na ang kaso ni Trillanes noong 2011 at may option naman si Pangulong Duterte na bawiin ang inilabas na proklamasyon.
Una nang sinabi ni Roque na malaya si Trillanes na gamitin ang lahat ng legal remedies sa kaso nito.
Binigyang diin pa ng tagapagsalita na naging bisyo na ni Trillanes ang mang-udyok kahit noon pang panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo at patunay na hindi nito pinagsisisihan ang kanyang ginawa ay dahil ipinagpapatuloy pa nito ang kanyang destabilisasyon sa Duterte administration.
Comments are closed.