IDUDULOG ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Appeals (CA) ang pagbasura ng Valenzuela Regional Trial Court sa kasong transportation and delivery of illegal drugs laban sa siyam na indibidwal kasama ang customs broker na si Mark Taguba at Chinese businessman na si Chen Julong.
Kasunod ito ng pagbasura ni Valenzuela City RTC, Branch 284, Judge Arthur Melicor sa motion for reconsideration ng DOJ sa naunang desisyon na i-dismiss ang kaso.
Nanindigan si DOJ Secretary Menardo Guevarra na magkaiba ang kasong transportation of illegal drugs na nakasampa sa Valenzuela at ang importation of illegal drugs na nakasampa sa Manila RTC.
Bagamat parehong may kinalaman ang dalawang kaso sa P6.4 bilyon na ipinuslit na ilegal na droga sa Customs, ang importasyon ay nagtatapos sa BOC kaya hiwalay ang kasong transportation nang ibiyahe ito mula pier patungo sa warehouse sa Valenzuela kung saan ito nasabat ng awtoridad.
Tiwala naman si Guevarra na hindi makaaapekto ang pagbasura ng Valenzuela RTC sa transportation of illegal drugs sa kasong nakasampa naman sa Manila RTC na importation of illegal drugs. TERESA CARLOS
Comments are closed.