PAGBASURA SA KASO VS UST DEAN PINAGTIBAY NG DOJ

Atty-Nilo-Divina

PINAGTIBAY ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura sa kasong kriminal  laban kay University of Sto. Tomas Faculty of Civil Law dean Nilo Divina at i­lang trustees  ng  Aegis Juris Foundation, Inc.

Ito ay kaugnay sa pagkamatay  ni UST law student Horacio “Atio” Castillo III sa hazing rites.

Sinabi ni Justice Secretary  Menardo Guevarra na ang pagbasura ng DOJ sa petition for review ng mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr. at Carminia ay dahil sa usapin ng “late filing”.

Paso na sa takdang panahon ng paghahain ng petition for review ang pagsusumite ng mag-asawang Castillo.

Kasalukuyang nakakulong sa Manila City Jail ang sampung miyembro ng Aegis Juris Fraternity matapos sampahan ng DOJ ng paglabag sa Anti-Hazing Law sa Manila Regional Trial Court.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.