KAISA kami sa pamilya at kaanak ng 3,962 2024 Bar passers sa pagsasaya at pasasalamat.
Ibig sabihin, may bagong halos 4,000 abogado sa Pilipinas na magiging tagapagtanggol para makamit ang hustisya.
Nitong Biyernes inilabas ng Korte Suprema ang resulta ng pagsusulit para sa pagka-abogado.
Mula sa 10,490 takers, 37.84% ang nakapasa.
Ikinagalak naman ni Bar Committee Chairman Associate Justice Mario Lopez ang mas mataas na porsiyento ng nakapasa kumpara noong 2023 na nasa 36.77%.