PAGBAWI NG SEC SA REHISTRO NG RAPPLER KINATIGAN NG CA

RAPPLER

KINATIGAN ng Court of  Appeals (CA) ang  ginawang pagbawi ng Security Exchange Commission (SEC) sa rehistro ng Online news website na Rappler matapos mapatunayan na hindi ito ‘purong’ pag-aari ng Filipino.

Batay sa 72 pages ruling ng  Special 12th Division ng Appellate Court, sinabi nito na ang voting rights ng korporasyon ay nahahati sa pagitan ng Rappler Holdings Corporation (RHC) at American firm Omidyar Network  dahilan para lumabag ang Rappler sa 1987 Constitution.

Sa desisyong ipinonente  ni Associate Justice Rafael Antonio Santos, nabatid na ang Omidyar Network  ay may foreign control sa Rappler, na nag­resulta sa pag-iisyu ng SEC ng revocation order.

“While the Omidyar PDR (Philippine Depositary Receipt) states that the right to vote on the Rappler shares is retained by RHC, said right to vote is being shared with or exercised jointly by RHC, as the owner of the shares, and Omidyar, through Clause 12.2.2,” ayon sa ruling ng CA.

“Thus, under a ‘zero’ foreign control standard, it would appear that this is tantamount to some foreign control,” nakasaad pa sa ruling.

Sa kabila na ibinasura ang petition for review na inihain ng Rappler, inatasan naman ng CA ang SEC na magsagawa ng ebalwasyon, kung ano ang epektong legal  ng “supervening donation” na ginawa ng Omidyar Network sa lahat ng kanilang Philippine Depositary Receipts sa Rappler.

Matatandang ang Omidyar Network ay nagbigay ng donasyong may $1.5 milyon halaga ng PDRs sa 14 Rappler managers, na nagresulta sa pag-revoke ng SEC sa kanilang registration.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.