PAGBAWI NG SUPORTA NG SOLCOM FAKE NEWS

CAMP AGUINALDO – HINDI totoo o fake news ang isang mensahe na kumakalat sa social media na nagpapahayag ng umano’y pagbawi ng suporta  ng “Southern Command” sa gobyerno.

Binigyang-diin ito ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, kasabay ng pagsabi na walang “Southern Command” ang Armed Forces of the Philippines.

Nakalagay sa kumakalat na mensahe, nanawagan ang ­“Southern Command” sa ibang mga AFP units na sumama na sa kanilang pag-aklas laban sa gobyerno.

Ayon kay Arevalo, ang fake news ay halatang  pakana ng ­ilang mga indibidwal na ang layon ay magpakalat ng mga kasinunga­lingan.

Siniguro ni Arevalo na nananatiling tapat ang buong hanay ng  AFP sa Chain of Command sa ilalim ng Commander in Chief.  R. SARMIENTO

Comments are closed.