PAGBEBENTA AT PAG-INOM NG ALAK SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR IPAGBABAWAL NG KAMARA

BAWAL ALAK

MALAPIT nang ipagbawal ang pagbebenta at pag-inom ng ano mang uri ng alcoholic beverages sa mga kalye, plaza, sidewalks at parking areas.

Sa House bill 3049 na inihain ni House Committee on Health Chairperson Angelina Tan, bukod sa pag-ban ng alak sa public areas ay ipagbabawal din sa ilalim ng panukala ang pag-inom ng alak sa restaurants, supermarkets, fast food chains at mga bar sa mga highly urbanized areas tulad ng Metro Manila mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-8:00 ng umaga.

Layunin ng hakbang na ito na tugunan ang panawagan ng publiko na ipagbawal ang alak sa public areas alin­sunod na rin sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang kriminalidad sa bansa.

Giit pa ng kongresista na isa ring medical doctor, ang pagkalulong sa alak na nauuwi sa karahasan ay maituturing na public health issue na kailangan ng agarang atensiyon mula sa gobyerno.