PAGBEBENTA NG 2D AT 3D LOTTO  OK NA SA GCQ AT MGCQ AREAS

LOTTO OUTLET-2

TULOY  na rin ang pagbebenta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

ng mga tiket para sa 2D Lotto at 3D Lotto sa mga lugar na nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa buong bansa.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ang selling time para sa unang draw ng 2D at 3D Lotto ay isasagawa mula 7:00AM hanggang 1:45PM at bobolahin ng 2:00PM.

Samantala, para naman sa ikalawang draw, ang selling time ay mula 2:05PM hanggang 4:45PM at may draw time na 5:00PM.

Ang ikatlong draw naman ay may selling time na 5:05PM hanggang 8:00PM at may draw time na 9:00PM.

Una nang nagbalik ang operasyon ng Lotto games, instant sweepstakes at online Keno sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MECQ, kabilang na rito ang Metro Manila.

Paglilinaw naman ni Garma, nananatili pa ring suspendido ang operasyon ng Small-Town Lottery (STL) games.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang PCSO sa publiko dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga palaro.

Tiniyak naman ni Garma na bawat pisong itinataya ng mga mamamayan sa PCSO games ay nakatutulong sa mga nangangailangang mamamayan. Ana Rosario Hernandez

Comments are closed.