PAGBEBENTA NG TOY GUNS O BARIL BAWAL SA POLL PERIOD – PNP

TOY GUNS

NAGBABALA ANG  Pangasinan police  sa publiko na ang pagbebenta at paggamit ng baril o replica o laruang baril o toy guns at bladed weapons sa labas ng mga tahanan ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng election gun ban.

“For vendors, please cooperate and don’t sell toy guns to avoid being subject to our operations. But, of course, we do warn them at first and if they don’t listen then, that’s the time we will strictly enforce the law,” pahayag ni Senior Insp. Ria Tacderan, Police information officer ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa isang panayam.

Sinabi ni Tacderan na nakakumpiska na ang Dagupan City police ng 10 gun replicas sa  isang abandonadong tindahan nitong nakaraang linggo, ha-bang isang lalaki sa San Manuel town ang naaresto dahil sa pagdadala ng itak na nagbigay ng takot sa mga kapitbahay.

Nakaaresto rin ang Agno police kamakailan ng isang village watchman matapos na ito ay mai-report na lasing at nanggugulo sa kanyang kapitbaha-yan. Nang halughugin, nakitaan siya ng pulis ng anim na bala ng isang 5.56mm gun mula sa watchman.

“We are just glad that since the start of the election period, which is also the start of the election gun ban, there has been no violator arrested at checkpoints,” dagdag ni Tacderan.

Samantala, hinimok ng Pangasinan police ang mga owner na may lisensiyang paso na, na mag-turn over ng kanilang sandata sa respective police sta-tions para sa safekeeping.

Kamakailan din, limang gun owners mula Dagupan City, Malasiqui, Bayambang, Agno, at Calasiao ang boluntaryong nagsuko ng kanilang sandata na expired ang mga lisensiya sa pulis.         PNA