PAGBEBENTA SA LUPA NG PHIL. ORTHOPEDIC CENTER, BUBUSISIIN NG KAMARA

NAKATAKDANG magsagawa ng kaukulang pagsisiyasat ang House Committee on Health hinggil sa ginawang pagbebenta sa dalawang lote na pag-aari ng Philippine Orthopedic Center (POC), na nangyari sa kasagsagasan ng nararansang Covid-19 pandemic.

Ito ang ipinahayag ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Rowena Niña Taduran, na siya ring may-akda ng House Resolution No. 2336, na nanawagang maimbestigahan ng Kamara ang nasabing bentahan.

Ayon sa ranking lady House official, kuwestiyonable kung paano napunta sa isang private couple at isang motor company ang 1,516.50 sqms. at isa pang 1,517 sqms. na lupa ng katabi mismo ng kinatatayuang gusali ng naturang ospital.

“It came under questionable circumstances. It begs us to ask why there was apparent haste in the sale as the deal was done when everyone was not looking because of Covid 19. We received information that the lots were sold with the help of a then retiring local registry of deeds official. What have we lost here?

That we need to find out,” pagbibigay-diin ni Taduran.

Giit ng ACT-CIS partylist solon, noong Pebreo 24, 2016 ay ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng isang Jose Luriz at idineklara rin ng high tribunal na ang titulo ng nasabing land parcel ay pag-aari ng estado.

Kaya naman noong Marso 21,2018, ani Taduran, ang POC sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General ay naghain ng complaint for revival and enforcement of the March 15, 2009 judgemen, na hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa korte.

Subalit ang nakapagtataka at sa kabila ng nabanggit na SC ruling, noong Setyembre 20,2020, isang Transfer of Certificate of Title (TCT) ang inisyu ng Registry of Deeds ng Quezon City kay Jose Luriz para sa dalawang lote na pag-aari at inookupahan ng POC.

“Two new TCTs were again issued by the Registry of Deeds of Quezon City on June 25, 2021, covering the same POC lots in an apparent sale to new buyers- spouses Winston Yu-Limwan and Maybelle Ng-Limwan and a private company, Visco Motors Corp.” Pagsisiwalat pa ni Taduran.

Inaasahan na sa gagagawing House inquiry ay lalabas ang katotohanan at kung mapatutunayang mayroong iregularidad ay maparurusahan ang mga may sala. ROMER R. BUTUYAN