PAGBIBIGAY NGITI AT PAGPAPADAMA NG PAG-IBIG (Sa Elsie Gaches Village sa Alabang, Muntinlupa)

Elsie Gaches Village

“Do small things with great love.” – Mother Teresa

MARAMI ang nag-aasam na tumulong sa kapwa. Ngunit hindi lahat nang nag-aasam na tumulong ay nakatutulong. Kumbaga, kakaunti lamang ang nakagagawa nito. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon.

May iba’t ibang paraan ng pagbibigay ng tulong o pagpapangiti sa kapwa. Una riyan, ang pagtulong nang walang hinihintay na kapalit. Kumbaga, maluwag sa loob at masaya ka sa iyong ginagawa. Mayroon namang klase na may hinihintay na kapalit.

Malayo pa ang Pasko ngunit sumilay na ang ngiti sa labi at naramdaman na ang pag-ibig sa Elsie Gaches Village sa Alabang, Muntinlupa.

Elsie Gaches VillageBilang bahagi ng selebrasyon sa kaarawan ni Rosemarie Lara, adbokasiya na niyang taon-taon ay maghandog ng ngiti sa mga bata sa nabanggit na lugar. At dalangin nga niya ay bigyan pa siya ng lakas para maipagpatuloy ang kanyang nasimulang adbokasiya.

Twenty years na niyang ginagawa ang kagandahang loob na ito. Bukod sa pagpapakain sa mga bata, mayroon ding inihandang games na karamihan naman sa mga batang naroon ay sumali. Siyempre, hindi rin nawala ang pamamahagi ng regalo.

Kasama rin ni Rose Lara sa pagpapasaya ang PNP Officers Lady Club.

Maraming paraan ang pagtulong sa kap­wa. At kagaya nga ng sinabi ni Mother Teresa, “Do small things with great love.”

Kumbaga, maliit man ang mga bagay na ginagawa mo pero kung bukal naman iyan sa loob mo at may halong pagmamahal, wala iyang katulad.

Comments are closed.