(Pagbibigay pugay ng AFP, PNP) FULL MILITARY HONORS KAY PANGULONG AQUINO

KAPWA nagbigay pugay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Kahapon ginawaran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng traditional gun salute ang dating Presidente at Commander-in-Chief, Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa lahat military camps bilang pagbibigay-pugay.

“We give our Former President and Commander-in-Chief our snappiest salute and our pledge to continue to perform our mandate. The banner of his legacy will continue to fly on the hallowed grounds of our camps anywhere in the country,” pahayag ni AFP Chief of Staff Ge­neral Cirilito Sobejana .

Inihayag ni Sobejana na inalayan nila ng simultaneous eight-gun salute ang namayapang Pangulo sa Camp Aguinaldo, Quezon City; Fort Andres Bonifacio, sa Taguig City; Jesus Villamor Air Base sa Pasay City; Fort Abad sa Manila; Fort Gregorio del Pilar sa Baguio City; at sa lahat ng AFP Unified Command Headquarters sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Capt Jonathan Zara , AFP-Public Information Office commander, ginawa ang military honors sa buong maghapon na magsisimula sa eight-gun fire kasabay ng reveille time eksaktong ala-5 ng umaga. Susundan ito gun fire tuwing kalaha­ting oras mula ala-6 ng umaga hanggang retreat time o alas-5 ng hapon. Kasunod nito ang pagpapaputok ng panibagong eight-gun salute.

Una nang nagpaha­yag ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagpanaw ni Aquino at sinabing sa ilalim ng kanyang liderato ay napatupad ang AFP Modernization program.

Gayundin, taos pusong nakikiramay din si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar kasama ang 220,000 strong PNP personnel sa pagpanaw ng dating Pangulo Aquino.

Ayon kay Eleazar bilang kanilang dating commander-in-chief malaki ang naibahagi ng dating Pangulo sa pagpapatupad ng reporma at pagpapalakas sa operational capability ng PNP ng sa gayon lalo pang mapaganda ang pagbibigay serbisyo ng PNP sa sambayan at mapanatili ang peace and order sa bansa. VERLIN RUIZ

7 thoughts on “(Pagbibigay pugay ng AFP, PNP) FULL MILITARY HONORS KAY PANGULONG AQUINO”

  1. 568141 595627Attractive section of content. I just stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I acquire truly enjoyed account your blog posts. Anyway I is going to be subscribing to your augment and even I achievement you access consistently rapidly. 707666

  2. Fantastic web site. Plenty of useful info here. I am sending it to a few friends ans also sharing in delicious. And obviously, thanks for your effort!

  3. I am now not certain the place you’re getting your information, however good topic. I must spend a while finding out more or working out more. Thanks for magnificent info I was on the lookout for this info for my mission.

Comments are closed.