UMAPELA si Senate President Vicente Sotto III sa mga opisyal ng gobyerno na nangangasiwa sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 na madaliin ang pagbili ng mga pribadong sektor at local government units ng sariling supplies ng bakuna.
Kaya tanong ni Sotto ano ba ang mas gusto natin ang pandemic na nandiyan pa rin at maraming namamatay, maraming nasisirang ekonomiya at maraming nahihirapan o payagan ang pagbabakuna rito.
Iginiit pa ng Senate President na dapat mamili kung may side effect o may pandemic dahil sa maraming katanungan kaugnay sa safety concerns at sa side effect ng gamot.
Inihayag ni Sotto na hikayatin ng mga senador sa ginawang pagdinig ng Senate Committee of the Whole, ang mga opisyal ng gobyerno na siyang in charge sa pagtugon sa pandemic na bawasan ang proseso sa pagbili ng bakuna sa mga pribadong sektor at LGUs.
Nanindigan naman sa nasabing pagdinig ang Food and Drug Administration (FDA) na ang mga manufacturer ng bakuna ay dapat nakikipag -usap sa national government at sa iba pang sektor sa pamamagitan ng tripartite agreement dahil ang bakuna ay ipamamahagi lang sa pamamagitan ng emergency use authorization (EUA).
Sa Biyernes ay muling magsasagawa ng pagdinig ang Committee of the Whole tungkol sa COVID-19 immunization plan kung saan iimbitahan ding dumalo rito ang mga pribadong sektor at representatives mula sa LGUS. LIZA SORIANO
Comments are closed.