SA kabila ng ginagawa ng mga lokal na pamahalaan sa intensified vaccination roll-out, hinikayat pa rin ng dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na pabilisin ang proseso ng pagbili ng Covid19 vaccines.
“Para lubos na sapat at patuloy ang supplies ng bakuna, kailangang pag-ibayuhin ng ahensiya ng pamahalaan na tanggalin ang red tape,” sabi ni Marcos sa gitna ng panawagan na may supisyenteng probisyon para sa bakuna.
Naalarma rin ang senador sa babala ng World Health Organization tungkol sa kasalukuyang paglaganap ng Delta Variant ng Covid19 sa bansa.
“Kinumpirma ng WHO ang community transmission ng Delta variant kung kaya’t ito ay isang panawagan sa ating mga procurement officials para bilis-bilisan nila ang proseso ng pag-import ng bakuna,” pagbibigay diin ni Marcos.
Binanggit din ni Marcos ang tripartite, kung saan may ugnayan ang pamahalaang nasyonal, lokal at pribadong sektor sa pagbili ng bakuna kaya lang ito ay naisantabi.
Sa ilalim ng Republic Act 11525, o Covid19 Vaccination Program Act of 2021, ang LGUs at pribadong sektor ay maaaring bumili ng kani-kanilang vaccine supplies sa pamamagitan ng multi-party agreements (MPA) sa nasyonal na pamahalaan.
“Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang kasunduang ito ay parang nabalewala kahit may panawagan na mula sa mga namumuno sa lokal at pribadong sektor na pirmahan na ang nasabing kasunduan sa kanilang katapat sa pamahalaang nasyonal.
“Sa katunayan, may resolution nang na-isumite sa Senado na naghihikayat sa Committee of the Whole na tingnan ang MPA na naipadala na pamahalaang nasyonal na nananatiling hindi napirmahan ng mga kinatawan ng kani-kanilang ahensiya,” dagdag ni Marcos.
“Malinaw ang kahandaan ng LGUs sa kagyat ng pangangailangang mabakunahan ang kani-kanilang mamamayan… pero mas malinaw na ang problema talaga ay ang supply ng bakuna,” sabi ni Marcos na kung saan may unsustained na “on and off vaccine rollout” sa National Capital Region.
Dagdag pa ni Marcos, “Lalo naman sa mga probinsiya kung saan ang hinaing ng ating LGUs ay ang kakapusan ng supply ng bakuna… kaya ang panawagan natin sa pamahalaang nasyonal ay kailangan talagang ayusin ang pag-angkat ng COVID-19 vaccines. Naniniwala ako na higit na makatutulong sa paglutas ng nasabing problema kung pairalin na ang MPA upang makagalaw ang initiative ng pribadong sektor at LGUs.”
510921 460025This really is how to get your foot in the door. 720348