SINIMULAN na ng Senado ang pagbusisi kaugnay sa sobrang taas ng presyo ng laptops.
Gayunman, dumalo sa pagdinig si Lloyd Christopher Lao, ang dating officer-in-charge ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) sa pamamagitan ng video conference.
Pinangunahan ng Senate blue ribbon committee ang imbestigasyon para sa napaulat na overpriced at outdated na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd).
Sa pagdinig, ipinaalam ni committee chairman Sen. Francis Tolentino sa panel na nagpadala si Lao sa kanyang opisina ng liham na humihingi ng clearance na hindi na siya nahaharap sa anumang kasong contempt.
Sinabi niya na hiniling din ni Lao na tanggalin siya sa immigration lookout bulletin.
Nagbunsod ang imbestigasyon ng Senado makaraang ibunyag ni Senador Alan Peter Cayetano ang overpriced na laptops na binili ng DepEd. LIZA SORIANO