PINAGTIBAY ng Philippine Competition Commission ang pagbili ng Robinsons Retail Holding Inc. para sa 100-percent stake sa Rustan Supercenters Inc.
Kinumpirma ito ng Mulgrave Corporation B.V, Robinsons na pag-aari ng Dairy Farm International Holdings Ltd. Group of Companies.
Marso 23, 2018 una nang inihayag ng Robinsons na sila ay pumasok sa partnership sa Dairy Farm para sa pagtatayo ng isang retail business.
Nakapaloob sa kasunduan ang “share-to-share” swap involving shares sa Rustans Supercenter at kasama sa kundisyon na puwede rin silang primary common shares sa Robinsons Retail.
Ayon kay Gina Roa-Dipaling, Investor Relations Officer ng Robinsons na inaasahan nilang matatapos ang buong transaksiyon para sa pagtake-over sa operasyon ng Rustan Supercenter sa huling bahagi ng taon.
Comments are closed.