NAG-TRENDING agad sa Twitter ang pagbisita ni Alden Richards sa ABS-CBN. Pati ang mga larawan at videos na naglabasan sa social media ay agad nag-viral.
Nagpunta si Alden sa Kapamilya Network para sa promotional ng movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye under Star Cinema na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.
Makikita sa mga larawan at videos ang napakagandang pag-welcome kay Alden ng ABS at Star Cinema executives kaya tuwang-tuwa ang kanyang fans at comment nga ng mga ito ay mistulang hari ang trato na ibinigay sa kanilang idolo.
Makikita rin ang mga larawan at videos na umakyat sina Alden at Kathryn sa Star Cinema office. ABS-CBN News reported that the two were blessed by a priest and prayed for the success of the movie.
Sinalubong si Alden ng Star Cinema bosses and employees sa pangunguna ng Managing Director na si Olivia Lamasan at mahigpit siyang niyakap.
Pagkatapos ay nag-courtesy call sina Alden at Kathryn sa ABS-CBN bosses na sina Carlo Katigbak (CEO and President) at Mark Lopez (Chairman).
Masayang-masaya rin ang mga tagahanga ni Alden kay Kathryn dahil sa mainit na pag-istima sa actor sa loob ng Kapamilya Network.
Habang nasa ABS compound si Alden ay nag-trending na agad sa Twitter ang hashtag na #HelloLoveWeAreLive. Sa Facebook page naman ng Star Cinema ay live na napanood ang naging pagbisita ni Alden sa bakuran ng ABS-CBN.
Well, ano kaya ang magiging reaction ng Kapuso Network sa pagpunta ni Alden sa bakuran ng ABS-CBN?
Siguro naman ay ipinagpaalam muna ni Alden sa Kapuso ang pagpunta niya sa Kapamilya Network
PIA WURTZBACH SUMUSUPORTA SA LGBT
NAGPAHAYAG ng kanyang suporta sa same sex marriage si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Naging panauhin kasi si Pia sa LGBT Pride month annual reception dinner sa US Embassy sa Forbes Park, Makati City. Doon na rin natanong si Pia tungkol sa same sex marriage at sabi niya ay sinusuportahan daw niya ito.
Sa mga bansang Taiwan at Ecuador kasi ay legal na ang same sex marriage.
“Let`s see how long it will take us, the Catholic Church or the government, before we folloiw suit. I hope I`m around to see that day,” say ni Pia.
Isa kasi si Pia sa nakiki-celebrate sa LGBT community ng Pride Month taon-taon. Nagtataka lang si Pia kung bakit may ilang sector ng society na hindi pabor sa pag-celebrate ng LGBT Pride month.
“First of all, we`re (LGBT) members and allies not doing anything bad, we`re not hurting anybody. We`re not getting in anybody`s way. We just celebrating everyone.
“There`s been a lot of changes, in the past 10 years, maybe even five. I`m glad that we have get-together like this. We`re now celebrating Pride Month!
“And we`re very much more accepting and welcoming with our LGBT brothers and sisters.
“Alhough we are moving forward, I still think there`s a lot that needs to be done. There are still some of our brothers and sisters who don’t feel welcome in the community, who feel shunned, who don’t feel like they can openly express themselves.”
Anyway, kung noon pa kaya naging vocal si Pia pabor sa same sex marriage at sasali pa lang sa Miss Universe competition, siya pa rin kaya ang Miss Universe 2015?
Comments are closed.