MATAGUMPAY ang limang araw na working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ito ang pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo kahapon.
Ayon dito, naging prangka ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa sigalot sa West Philippine Sea.
Nagkasundo ang dalawang lider na magkaroon ng self-restraint at patuloy na susundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa pinag-aagawang isla.
Natalakay rin ng dalawang lider ang pagbalangkas sa Code of the Sea, pati na ang usapin sa kalakalan, ang pagtutulungan sa sektor ng agrikultura, siyensya, health, edukasyon people to people and cultural exchange at iba pa.
Comments are closed.