TINANGGAP na ni Pangulong R o d r i g o Duterte ang resignation ni Tourism Secr e tar y Wanda Teo kaugnay sa kontrobersi¬yal na P60- million ad placement sa programa ng kapatid nito sa state-run PTV 4.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos na magsumite ng kanyang resignation ang kalihim.
Inanunsiyo ng abogado nitong si Ferdinand Topacio ang pagbibitiw ni Teo isang araw matapos silang magkaroon ng one-on-one talk sa Malacañang kasunod ng Cabinet meeting.
Nilinaw ni Topacio na ibinigay ni Teo ang kanyang resignation letter kay Execu-tive Secretary Salvador Medialdea bago ang Cabinet meeting.
Wala pang inanunsiyo ang Palasyo kung sino ang ipapalit kay Teo.
Umani ng batikos ang paglalagay ng ad placement ni Teo sa PTV dahil sa conflict of interest.
Kinuwestiyunin ng Commission on Audit (COA) ang ibinayad na P60 milyon sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) para sa pag-eere ng DOT advertisements na “Ki-los Pronto” program sa PTV na ang program hosts ay ang mga kapatid ni Teo na sina Ben at Erwin Tulfo.
Itinanggi naman ni Teo na may kinalaman siya sa desisyon ng PTV na ilagay ang DOT advertisement sa programa ng kanyang kapatid at sinabi nito na dumaan ito sa bidding process at pinag-aralan ng legal department ng DOT.
Nakasaad sa ulat ng COA na walang memorandum of agreement (MOA) ang PTNI at BMUI sa pag-eere sa tourism advertisements.
Tanging MOA sa pagitan ng PTNI at DOT, na nagsasaad na kailangang iere ng PTNI ang 6-minute segment buy sa PTVs Daily News-type magazine segment, Kilos Pronto, at 3-minute DOT spot sa loob ng programa.
Samantala, pinuri ni Senadora Nancy Binay ang pagbibitiw ni Teo at sinabi nito na malaki itong tulong para kay Pangulong Duterte upang hindi na ito ma-pressure.
“We thank Secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo for her service at the Department of Tourism (DOT),” anang senadora.
Aniya, maraming problemang kinakaharap ang pamahalaan na pinagtutuunan ng pansin ng Pangulo gaya ng pagresolba sa diplomatic gap sa pagitan ng bansa at Ku-wait na kung saan ay aabot sa 260,000 overseas Filipino workers ang mawawalan ng trabaho.
Kasabay nito, naniniwala si Senador Bam Aquino na tama lamang ang ginawang hakbang ni Teo matapos ang kontrobersyal na paggamit ng pondo ng DOT para sa programa ng kapatid nito sa PTV 4 na umaabot sa P60-M. VICKY CERVALES/EVELYN QUIROZ
Comments are closed.