INATASAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang mga airport authorities na masusing pag-aralan at ikonsidera ang posibilidad ng muling pagbubukas sa mga paliparan sa mga lugar sa bansa na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Tugade, magbibigay daan ang muling pagbubukas ng mga aiport sa mga lugar na nagpapatupad ng GCQ para makapagsimula nang mag-operate ang mga commercial airline.
Sa ganitong paraan din aniya, masisimulan na ang isinusulong na domestic tourism sa bansa.
Sinabi naman ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco na kakayanin na ng airlines ang mag-lunsad ng mga inter-island flights mula at patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
Una na ring inihayag ni Tourism Secretary Bernadeth Romulo Puyat na ang pagsusulong sa domestic tourism ang magiging daan para makabawi ang sektor mula sa mga pagkalugi na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. DWIZ882