IREREKOMENDA ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang unti-unting pagbubukas ng dine-in restaurants sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa kondisyong susunod sila sa mahigpit na strict health protocols.
Sa virtual hearing ng House committee on Trade, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nagsagawa ng pagsusuri ang National Task Force against COVID-19, ang Trade department, at ang local industry leaders sa kung paano ipatutupad ang health protocols sa dine-in setup
Ani Castelo, tanging ang mga restaurant lamang na sumusunod sa DTI-issued safety protocols ang papayagan na makabalik sa operasyon pero sasailalim din ang mga ito sa post-audit para matiyak na tuloy-tuloy ang mga ito sa implementasyon ng mga protocol.
“We can do random inspections as we normally do…,” aniya.
Mahigpit na ipatutupad ang ‘no mask, no entry policy’, social distancing at regular sanitation.
Ipatutupad din ang ‘no physical contact’ sa pagbabayad at kakailanganin na ang alternative mode of payment tulad ng credit/debit card at iba pang non-cash digital payment.
Maaari pa rin naman aniyang magbayad gamit ang cash pero gagamit ng tray kung saan dito ilalagay ang pera.
Ipagbabawal naman ang self-service o customer refill stations, buffet at salad bars.
Comments are closed.