PAGBUBUKAS NG FOREIGN CIGARETTE TOBACCO FACILITY TINULIGSA NG GRUPO NG MGA MAGULANG AT CHILD’S RIGHTS ADVOCATES

ISANG  grupo ng mga magulang kontra sa vape at child’s rights ang tumuligsa sa ipinakitang pagsuporta ng Department of Agriculture (DA) sa ginawang inauguration ng manufacturing facility ng isang kilalang kompanya pa sa kanilang heated tobacco products sa Tanauan, Batangas kamakailan.

“First of all, it is deceitful to call this vape manufacturing facility a “smoke-free” facility. Vapes and heated tobacco products still produce smoke and contain toxic and addictive substances that when inhaled can damage the lungs and the brain,” sabi ni Rebie Relator, presidente ng Parents Against Vape sa kanilang statement na ipinadala sa media.

“This attempt of the industry to make their products appear safer should not be condoned by the government,” dagdag ni Relator.

Nanawagan ang Parents Against Vape kabilang ang ilang grupo tulad ng Child Rights Network, at Philippine Legislators’ Committee on Population and Development para papanagutin ang mga mataas na opisyal na walang pasubaling nagpakita ng suporta sa naturang ‘deceitful industry”.

Giit ni Relator, ang mga kompanya ng mga tabako ay patuloy umano na nanlilinlang sa publiko sa pamamagitan ng misinformation tungkol sa paggamit ng electronic smoking devices tulad ng vapes at heated tobacco products sa pagpapalitaw na ang mga ito umano ay mas ligtas na alternatibo sa ordinaryo subalit manikotinang sigarilyo.

“We should take a closer look at these electronic smoking devices because there are growing documented cases of vaping-related illnesses and injuries affecting even young children. Instead of coddling the industry, our government should be protecting the health of our children,” sabi niya.

Samantala, kinondena naman ni Rom Dongeto, Convenor ng Child Rights Network at Executive Director ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development ang pagtanggap ng pamahalaan sa interest ng tobacco industry at namumuhunan nito sa bansa sa halip uumanona mas pahalagahan ang pagprotekta sa kapakanan ng kalusugan ng mga mamamayan lalo na ang mga kabataan.

Ayon sa 2019 Global Youth Tobacco Survey, 1 sa 7 Filipino students na may edad 13 hanggang 15 ay gumagamit na ng e-cigarettes.

Ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala na ng lung cancer na nagmula sa paggamit ng e-cigarette o vape-associated l EVALI sa Pilipinas na naganap noong Nobyembre 2019 sa isang 16-year-old na babae mula sa Visayas region na gumagamit umano ng vapes at tradisyonal na sigarilyo.

Noong Marso, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nakapagtala ito ng mga nasitang 8,000 menor de edad na gumagamit ng vapes at e-cigarette.

Ang pagtuligsa ng mga naturang grupo ay nag -ugat sa pagdalo, pagpuri at pagpapahalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa ginawang pagtatayo ng P2.2-billion manufacturing facility ng multinational na Philip Morris International at ng Philippine affiliate nito na PMFTC, sa Batangas kung saan ay inilunsad ang bago nitong smoke-free products na dito sa Pilipinas imamanufacture.

Sa kanyang mensahe sa naturang inauguration ng naturang manufacturing, binigyang diin ni Laurel na malaki ang maitutulong ng naturang manufacturing company sa sa mga kabuhayan ng mga magsasakang tobacco growers sa bansa at ang potensyal ng Philippine tobacco upang makagawa ng grade para sa bagong smoke-free products na maaaring muling magpasigla sa humihinang produksyon ng local leaf na itinuturing na isa sa high-value crops ng bansa.

“I understand that local leaf is being considered for inclusion in the production of smoke-free products, including heated tobacco sticks in the new manufacturing lines. I’m confident that our local tobacco leaf will be able to meet this new demand,” ang sabi ni Laurel sa naturang okasyon.

Nagpasalamat din si Tiu-Laurel sa naturang kompanya sa pagtalima sa panghihinok ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maglagak ng puhunan sa bansa upang makatulong sa kabuhayan ng mga tobacco farmers at ng kanilang mga pamilya.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia