HINDI pa pinal ang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Pangulong Rodrigo Duterte na sa buwan ng Setyembre bubuksan ang klase para sa school year 2021-2020.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, magkakaroon pa sila ng final presentation sa IATF sa unang linggo ng susunod na buwan.
Nakasaad sa Republic Act 7977 o Act on Lengthening of School Calendar ang pagbubukas ng klase ay hindi dapat lumampas sa huling araw ng buwan ng Agosto.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit pa sa mga lugar na moderate o low risk lamang ang coronavirus disease ay dapat ay panatilihin ang 100 percent na closure sa mga paaralan dahil maituturing na ‘transmitters’ ang mga kabataan mula edad 0 hanggang 20.
Ang higher education naman sa mga lugar na sasailalim na lang sa general community quarantine ay maaari nang tapusin ang kasalukuyang academic year.
Comments are closed.