PAGBUBUKAS NG KLASE TULOY SA AGOSTO

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto kahit pa patuloy ang pagsulpot ng ibang variant ng COVID-19, subalit ang desisyong ibalik sa face to face ay depende pa rin kay Pangulong Duterte at mga eksperto.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang mandato ng DepEd ay buksan ang klase nang hindi lalagpas sa buwan ng Agosto.

“The President can extend the opening up to the first two weeks of September, but at this time, we couldn’t predict the behavior of COVID-19,” pahayag ni Briones.

Ayon pa rito, ang stand ng DepEd ay hindi magbabago tulad ng sinabi ng United Nations secretary general sa ginanap na UN assembly, na kailangang magpatuloy ang edukasyon at walang dapat na naiiwan.

Nauna rito ay napagkasunduan ng Cabinet members na magsagawa ng pilot study ng limited in-person classes sa piling mga eskuwelahan, ngunit naiurong ito nang sumulpot ang UK variant.

May sumulpot din na COVID-19 Delta variant.
Tiniyak ni Briones na handa ang DepEd mapa-in person classes o face to face.

One thought on “PAGBUBUKAS NG KLASE TULOY SA AGOSTO”

  1. 49745 512863This web website is often a walk-through for all of the knowledge you wanted concerning this and didnt know who must. Glimpse here, and youll completely discover it. 523902

Comments are closed.