KASALUKUYANG tinitingnan ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagbabalanse ng libo-libong empleyado at ang kita na pumapasok sa kaban ng lokal na pamahalaan bago madesisyunan ang pagbubukas ng mga sinehan sa lungsod.
Malalaman ng publiko ang desisyon ng lokal na pamahalaan tungkol sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa lungsod makalipas pa ng dalawang linggo.
Matatandaan na dati nang nag-abiso ang Department of Trade and Industry (DTI) sa local government units (LGUs) lalo na ang nakabase sa Metro Manila na ang muling pagbubukas ng mga sinehan ay maaaring magsimula na tumanggap muna ng 20% kapasidad ng kanilang operasyon para unti-unting makatulong sa mga Filipino na makabalik sa kanilang pagkakakitaan.
Base sa record ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ay mayroong 20 sinehan sa lungsod na kalimitang pinupuntahan ng maraming tao tulad ng SM cinemas ng SM Prime holdings, Inc. na matatagpuan sa Mall of Asia (MoA); cinema of Mathew Film Distributor, Inc. ng Welcome Plaza sa kahabaan ng Taft Avenue; Cinemas Snack Bar sa New Port City Complex; Vista Cinema A and B sa Taft Avenue; Masagana Cinema I at Mathew Film Disributor na parehong nasa Welcome Plaza at ang cinema of S Maison na matatagpuan din sa MoA.
“Kami sa Pasay LGU ay alam naming nagbibigay ng trabaho ang mga sinehan sa libo-libong residente na nakapagbibigay din ng kita sa lo-kal na pamahalaan na amin namang ginagamit sa mga programang serbisyo publiko at proyekto. Binibigyan namin ito ng konsiderasyon. Ito ang dahilan kung bakit binabalanse muna namin ang mga bagay na ito na amin munang imo-monitor at oobserbahan ang magiging resulta sa loob ng dalawang linggo bago kami magdesisyon sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa lungsod,” ani Mayor Calixto-Rubiano. MARIV-IC FERNANDEZ
895163 696905You made some decent points there. I looked online for that difficulty and found many people goes coupled with with all your site. 777914