San Jose, Batangas — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-258 taon ng San Jose ang pagbubukas ngnoong ika-8 ng Disyembre 2024 sa Poblacion Barangay III.
Ito ay bahagi ng apat na araw na pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng San Jose, Batangas. Sinimulan sa Music Fest, kasunod ang pagbubukas ng bagong Museo, sinundan ng Motor Show, Modern Dance, Alay Lakad at Marching Band Competition.
Ipinagmamalaki ng mga San Joseño na naitama na nila ang tunay na petsa ng pagkakatatag ng bayan, sa patuloy na pagsasaliksik, ang tamang araw ay ika-11 ng Disyembre. Kaya’t sa kasalukuyang taon, itinaon na ng pamunuan ng bayan na ipagdiwang ang araw ng pagkakatatag sa ika-11 ng Disyembre.
Ang bayan ng San Jose ay ipinagmamalaki ng mga pinuno na bayang pinagpala. Ang simbahan ay kilala na St. Joseph The Patriarch Parish, naitatag noong 1762. Ang bayan naman ng San Jose ay nakabukod mula sa bayan ng Bauan, Batangas noong 1766.
Nagpahayag ang ilang opisyal na ito na ang ikalawang pagdiriwang simula nang naitama ang petsa ng pagkakatatag ng San Jose, kung kaya’t binigyang diin ni Dr. Joseph Renta III, Curator ng Museo San Jose de Malaquing Tubig na makilala ang sining, ang makasaysayang kultura, pinagmulan ng bayang San Jose, at maipasa sa susunod na henerasyon ang tunay na kasaysayan.
Ang pagkakatatag ng Museo San Jose ay mula sa inisyatibo ng Punong Bayan, Valentino “Ben” Raz Patron, katulong ang miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kawani ng pamahalaan at mula rin sa suporta at pagtangkilik ng Senador na si Kgg. Grace Poe.
Ang tema ng eksibisyon ay “Agos ng Paglalakbay,” pinatunayan ito sa daloy ng paglalakbay ng pinagmulan ng San Jose na nasa ikalawang palapag ng gusali. Ang mga larawan, mapa, mga magpapatunay ng sinaunang salaysay mula sa mga naunang nanirahan, kilalang mga pari, at mga opisyal na nagkaroon ng mahalagang papel sa bayan at maging sa bansa.
Sa eksibisyon, makikita ang itinatampok na itlog sa bayan ng San Jose dahil tinagurian ang bayan na “Egg Basket of the Philippines.” Ang itlog din ang marker na nasa bungad ng bayan ng San Jose.
Ang mga participating artists sa Sining ng Itlog: Amiel Aceremo-Roldan, Christopher Fernandez, Cris Fragata Gomez, Dennis Nieves, Susie Renta, Melchor Rosales, Esther Garcia, Josyl Nakila, Eden Ocampo, Maco Custodio, John Lloyd Mandaroso, Deonong Robrigado, Jurrel Art Magistrado, Riza Zuniga, Harold Gomez, Hermie Pineda, Elizabeth Encarnacion, Gloria de Guia, Lea Zoraina Lim, Marie Grace Ramos, Melanie Libatique, Priscilla Gonzales Fernando, Reymel Gonzaga, Ryan Morales, Teya Tan, Tin Sley at Tyn de Guzman. ura
Sa pagkakataong nakadaupang palad ng mga taga-San Jose ang dating National Commission for Culture and Arts (NCCA) Chairperson, kanyang binanggit ang pitong criteria na mahalaga sa isang bayan: ito ang agrikultura, cultural identity, authenticity, uniqueness, pinakamasaysayang lugar, magnitude o pinaka- sa lugar, pinakamalaki, pinakamarami at pagiging mahusay.
Mula naman sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairperson Regalado Jose Jr. sinabi niya “Iingatan ang mga bagay na kung ano ang mayroon tayo, gamitin ang pananaliksik, magbasa ng lumang libro at huwag hayaang mauna ang iba.”