PAGBUBUKAS NG NEGOSYO, TRANSPORTASYON TATALAKAYIN

Spokesman Harry Roque

INAASAHANG magiging mainit ang talakayan sa gagawing pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ngayong Lunes, Abril 27.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, ilan sa mga tatalakayin ay ang modified guidelines para sa mga lugar na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ).

Kabilang pa sa mga tatalakayin sa IATF ang unti-unting pagbubukas ng mga negosyo at transportasyon na may limitado pa ring operasyon sa ilalim ng GCQ.

Ito rin ayon kay Roque ang siyang magiging gabay ng pamahalaan sa sandaling isailalim na sa GCQ ang iba pang mga lugar na kasalukuyang nasa enhanced community quarantine (ECQ) tulad ng Metro Manila. DWIZ882

3 thoughts on “PAGBUBUKAS NG NEGOSYO, TRANSPORTASYON TATALAKAYIN”

Comments are closed.